Ano Ang Suliraning Panlipunan Sa Kabanata 26 Sa El Filibusterismo?

Ano ang suliraning panlipunan sa kabanata 26 sa el filibusterismo?

El Filibusterismo

Kabanata 26:

Suliraning Panlipunan:

Ang suliraning panlipunan na umiiral sa kabanatang ito ay ang labis na paniniil ng mga namumuno sa mga kabataang estudyante na hindi sila maaaring magpahayag ng kanilang saloobin o manghimasok sa mga desisyon ng mga namumuno ng paaralan at pamahalaan. Sa kabanatang ito masasalamin din ang kapangyarihan ng mga prayle na pang himasukan maging ang pag - aaral ng mga kabataan. Ang anumang paskil na nagpapahayag ng himagsikan ay mahigpit na ipinagbabawal. Tulad din ng kilos protesta ng mga mag - aaral sa panahon ngayon. Ang sinuman na suma sama sa mga kilos protesta na menor de edad ay hinuhuli ng mga kapulisan. Bukod dito, ang mga tao noon ay pinagbabawalan din na gumawa ng anumang hakbang na nakakasira sa reputasyon ng mga prayle. Maging ang pag - uusap ng mga bagay na may kinalaman sa mga ito ay itinuturing na paglaban sa mga prayle kaya kapag nahuli ka ay tiyak na sa kulungan ang iyong kauuwian. Masyadong sakal ang sistema sa lipunan na tila baga walang kalayaan ang tao sa kanyang pag iisip at pananalita. Ang tanging magagawa lang ng mga mag - aaral na tulad ni Basilio ay manahimik at magbulag bulagan upang hindi sila mapahamak.


Comments

Popular posts from this blog

Mga Halimbawa Ng Paggalang Sa Paniniwala Ng Kapwa

What Is The Definition Of Static Character?

Word Problem With Linear Equation